Now Playing

2.23.2013

Habulan

Sinundan ng sindak
ang mga yapak sa
papaalis na kabiyak
ng puso noong mga
oras na iyon.
Marahil ay lipas na
ang mga mala-pelikulang
eksena, melodrama
ng relasyong minsan
nang nasaksihan.
Sa sangandaan
ng kapalaran at paglisan,
at kagustuhan,
naging saksi ang karamihan.
Nagpaalam ng mabilisan,
sinundan ng kasintahan,
ang tema ng sinehan.
Bumabalik pa rin,
paminsan-minsan,
may ngiti,
sa dating tagpuan
kung saan dating
nagiiwanan,
at naghihiwalayan,
at nagbabalikan.

No comments:

 


Design by: Blogger XML Skins | Distributed by: Blogger Templates
Custom Search